wow mali...
Sa entry na ito, nag-desisyon akong gumamit ng wikang Pilipino imbes na yung wikang Inggles. Bakit kamo? Wala lang. Trip ko. Iniisip ko lang na kailangan ko ding mag-ensayo sa paggamit ng Pilipino para hindi naman ako magmumukhang tanga pag kinakausap ako ng mga tao.
Napansin ko lang na nawa-wow mali na ako! Nakakapikon na 'to. Nakakairita. Parang lahat ng ginagawa ko, mali. Parang bawa't kilos at pananalita ko, hindi siya tama. Hindi naman sinasabi ng mga tao sa akin, pero yun yung nararamdaman ko e. Laging may mali akong ginagawa. Gets nyo ba? Naku, 'wag na lang. Basta, ang sama ng loob ko. Ang hirap paliwanagin ang nararamdaman ko e. Ang gulo e! Kung gagamitin ko yung wikang Inggles, sasabihin ko lang na parang sobrang "erratic" ng pakiramdam ko. Minsan, ayos lang ako. Minsan, nalulungkot ako. Minsan, manhid ako. O diba? Oo, alam ko na "moody akong tao" pero...pwede ba...masyadong matagal na ata yung pagiging moody ko ngayon ah. Masyadong marami akong iniisip e. Haaaaay! Kung pwede lang sanang ilabas lahat ng nasa loob-looban ko. Gusto nyong malaman yung totoo? Gusto kong umiyak. Oo. Sobra. Kasi napansin ko na na naiipon lahat ng masamang bagay na nararamdaman ko 'tong mga nakaraang buwan. Gusto ko na 'tong palabasin. Pero di ako marunong umiyak na basta-basta lang. Bihira nalang kung sobra-sobra-sobrang lungkot ko na. Pero sa ngayon...di pa.
Ironic ba? Pag-tinignan mo yung mga ibang blog entries ko, parang sobrang tuwa ko ano? Pagbinabasa mo yung blog, akala mo isa akong tao na walang problema. Haha! Kung pwede lang sana. Pero hindi. May problema din ako. Sino bang walang problema diyan? Magpalit muna tayo ng buhay! Kahit isang araw lang para maramdaman ko naman uli yung tuwa na naramdaman ko nung summer. Iba na kasi e. Okay pa nung bumalik ako sa eskwela e. Happy pa ako nun. Eh ayun. Papatong-patong na bigla yung mga problema at biglang nalunod ako! Ayus ba?
Alam naman ng Diyos kung anu-ano yung dinadaanan ko e. Mas-gets pa Nya kaysa sa akin, kasi hanggang ngayon hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ganito lagi ako. Alam ko may mga aspeto sa buhay ko na kailangan ding baguhin. Pero iniisip ko kung 'yun lang yung kailangan gawin e. Naguguluhan na talaga ako!
May tiwala pa rin ako sa Diyos. Alam ko hindi niya ako iiwan. Masyado na kasi Siyang ginawa sa buhay ko na hindi ko pwede sabihin na wala akong silbi sa Kanya, kasi alam ko gagamitin Niya ako bilang isang instrumento niya. Gusto ko lang...matapos na 'to...
1 Comments:
i know what you feel lo. you wanna cry it all out, but its just so hard.
anyway, i am moody too, baka sayo ko namana or k dada! haha.kidding.
everyone has problems and all we could do is just hold on to our Maker. thats what He wants from us. hold on.
HOLD ON FOR DEAR LIFE.
God bless lo.
il be praying for you. :)
love you to bits,bits,bits!
Post a Comment
<< Home